Biyernes, Agosto 1, 2014


Kahulugan at Pagkabuo ng Kabihasnan
                   
     Ang kabihasnan ay tinatawag ding sibilisasyon, ang pagsasaka ay susi sa pag-unlad ng isang kabihasnan. Ang maayos at mahusay na pagsasaka ay nagbubunga ng sapat o sobrang pagkain. Ang pagkakaroon ng sobrang pagkain ang nagbigay-daan para sa espelisasyon ng paggawa. May mga taong nag-iba ng kanilang gawain upang maging artisano, mangangalakal, pinunong politikal, pari, o kaya ay sundalo. Ang mga bagong gawaing ito ay nagdala ng makabagong larangan na mahalaga sa paghubog ng isang kabihasnan.

     Upang matawag na mayroong sibilisasyon ang isang lipunan dapat may taglay na katangian na:

  • Pagkadalubhasa sa Paggawa
             - Ang pagkakaroon ng mga taong may tiyak na gawaing ginagampanan tulad ng            tagagawa ng palayok, tagahabi ng tela, o tagapanday ng metal.

  • Pag-aantas ng Lipunan
             - Ang mga pangkat na maituturing na dalubhasa ay nagkakaroon ng kapangyarihan        sa lipunan tulad ng mga pari, sundalo, at artisano.

  • Pagtatag ng mga Lungsod
             - Ang pagkakaroon ng mga lungsod ay nagsisilbing sentro ng kalakalan,                        pamamahala, at pananampalataya.

  • Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pamamahala
             - Taglay ng isang sibilisadong lipunan ang mga taong mamamahala, magpapatupad        ng batas, at mangangalaga sa mga nasasakupan.

  • Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pagsulat
             - Upang magkaroon ng maayos na pagsasagawa ng trabaho sa pamamahala,                pakikipagkalakalan, at pagtala ng kasaysayan at kalinangan ng isang lipunan.

  • Pagkakaroon ng mataas na kalinangan
             - Ang pagkakaroon ng magkakatulad na pananampalataya, paniniwala, at kaugalian      ay nagsisilbing batayan ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng isang lipunan.





                         KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA

Kasaysayan ng Mesopotamia:

  • Panahong Eridu (5500-4300 BC)
  • Panahong Ubaid (4300-3500 BC)
  • Panahong Uruk (3500-3100 BC)
  • Panahong Uruk III at IV (3100-2900 BC)
  • Panahon ng Maagang Dinastiya (2900-2334 BC)

Heograpiya

     Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng:

     Kabundukang Taurus   - Hilaga
     Kabundukang Zagros   - Silangan
     
     Ang hangganan naman ng Mesopotamia ay ang:

      Disyerto ng Arabia     - Timog
      Golpo ng Persia         - Timog-Silangan

      
       
     Ang pangalan ng Mesopotamia ay galing sa salitang Griyego na ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng mga ilog". Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Tigris at Ilog  Euphrates, ang mga ilog na ito ay pumapalibot sa Mesopotamia. Dahil sa matabang lupain  at mainam na patubig mula sa ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya. 




Pagbuo ng mga Lungsod-estado sa Sumer

      Sa paglipas ng panahon, ang maliliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia ay nagsanib upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng


                                                                         
Uruk


Lagash
                    



    


                       


                
Kush

             






                        










Umma

















Ur






















     

   Ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeryano ay pinamumunuan ng pari na naninirahan sa mga templo na tinatawag na ziggurat. Ang mga pari ang tagapamagitan at taga-ugnay ng mga tao sa diyos at tagapamahala rin sa pagbuo ng irigasyon. Gayunman, dulot ng madalas na pakikidigma, unti-unting pinalitan ang mga pari ng mga pinuno ng mga mandirigma na kalaunan ay naging mga hari.

  Ang lipunan ng Sumer ay napapangkat sa apat:

  • Unang Pangkat      - mga pari at hari
  • Ikalawang Pangkat - mayayamang mangangalakal
  • Ikatlong Pangkat    - mga magsasaka at artisano
  • Ikaapat na Pangkat - mga alipin

     Meron ring tagapangasiwa sa pamahalaan at namumuno sa pagtatanggol noon, ito ay            ang:
     
     En    - nangangasiwa ng ilang gawain sa pamahalaan
     Lugal - namumuno sa pagtatanggol ng siyudad kung may digmaan


Ang mga Unang Imperyo
       
   Akkadian
        
       Sa ilalim pamamahala ni Haring Sargon, lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang    unang imperyo. Nagtagal ang unang imperyo ng mahigit 200 taon.
Busto ni Haring Sargon
        
  
 Assyrian
        
        Mula 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrian  ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia. Ngunit  hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag-  alsa ang kanilang nasasakupang mamamayan. At pagsapit  ng 612 BCE, tuluyan nang nagwakas ang kanilang imperyo  nang talunin ng mga Chaldean at iba pang kaanib na  kaharian.


 Chaldean
  
Busto ni Hammurabi

     Sa pagkatalo ng mga Assyrian, itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Naging sentro ng bagong imperyo muli ang Babylon makalipas ang mahigit 1000 taon nang una itong maging kabisera sa pamumuno ni hammurabi. Naging tanyag na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar, ito ay dahil pinagawa niya ang Hanging Garden. Pagsapit ng 586 BCE, nasakop ng mga Persyano ang kaharian ng mga Chaldean.

Babylonian

      Sa pagitan ng mga taong 1792 hanggang 1750 BCE nakamit ng imperyong Babylonian ang rurol ng kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop na pastoralistang nomadiko.


Relihiyon

     Ang mga Sumeryano ay tinutukoy na may politiestikong pananampalataya. Meron din silang mga Diyos:


Enlil
Enlil   - ang pinakapangyarihang diyos
         - diyos ng hangin at mga ulap

Shamash  - diyos ng araw

Inanna - diyosa ng pag-ibig at digmaan


Shamash



Masasamang Udug 
- pinakamababa naman sa antas ng mga        diyos
 - pinaniniwalaang tagapaghatid ng sakit,      kamalasan, at gulo
    
            


Pagsulat

    Noong 3100 BC, lumitaw ang unang dokumentong nakasulat sa istilong Sumer hanggang natutunan nila ang paggamit ng cuneiform o clay tablet. Sinusulat sa mga tabletang putik ang cuneiform gamit ang isang stylus. Ginagamit rin ito ng mga Akkadian, Babylonian, Assyrian, Cananeo, Hititte at iba pang tribo.

    Noong 1300 BC, dahil sa mga Arameo isang bagong sistema sa alpabeto na batay sa Phoenicia na tinatawag na "Alpabetong Aramaiko".





                                  KABIHASNAN SA EGYPT


Heograpiya

     Natatangi ang lokasyon ng Egypt sapagkat napalilibutan ito ng mga disyerto.                      Matatagpuan ang:


  • Disyerto ng Sinai  - Silangan
  • Disyerto ng Nubai - Timog
  • Disyerto ng Sahara - Kanluran

     Umaasa ang mga Ehipsiyo sa regular na pag-apaw ng Ilog Nile na may dalang pag-unlad sa Egypt kaya inilarawan ni Herodotus na angEgypt ay "handog ng Nile". Gayunpaman, nakaranas din ng taggutom ang mga Ehipsiyo kung hindi sapat ang pag-apaw.


Simula ng Kabihasnan

        Namuno si Menes noong 3100 BC. Itinatag niya ang kabisera ng Memphis at itinaguyod ang unang dinastiya sa Egypt. Noong 2600 na taon ay nagkaroon ng 31 dinastiya kaya hinati niya ito sa tatlong bahagi at tinawag na Lumang Kaharian, Gitnang Kaharian, at Bagong Kaharian.


Lumang Kaharian

         Sa panahong ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian. Ang paraon ay itinuturing nilang isang diyos. Tinatawag ding "Panahon ng Piramide" ang Lumang Kaharian dahil sa panahong ito nagsimulang magpatayo ang paraon ng libingan na hugis piramide.
Piramide ni Paraon Djoser
Ang unang piramide ay ang kay Paraon Djoser na bai-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara. 
  
        Ang piramide ay patunay ng katatagan ng pamamahala ng mga paraon at husay ng kanilang kabihasnan. Nagwakas ang Lumang Kaharian culot ng magkakaugnay na suliranin.



Gitnang Kaharian


Haring Mentuhotep II
        Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, muling napag-isa ang Egypt. Tinatawag ding "Panahon ng Maharlika" ang Gitnang Kaharian. Sa panahong ito, nakipag-ugnayan ang mga Ehipsiyo sa Syrian upang kumuha ng crypress,lapis at iba pa. Nakipagkalakalan din sila sa Nubia upang kumuha ng ebony at insenso. Nakitungo din sila sa mga Crete upang kumuha ng palayok, tela at mga alahas. Nagpapatayo din sila ng mga pamayanang Hyksos. Ang mga Hyksos ang mga migrante na may angking paggamit ng mga chariot at pagpapanday ng bronse para gawing sandata.

          Nagdala ng kaayusan at kaunlaran ang pamumuno ng mga Hyksos sa loob ng 160 taon. Napatalsik lamang sila sa Egypt sa isnag pag-aalsa na pinamumunuan ni Ahmose I ng Thebes.



Bagong Kaharian

       Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ni Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Tinawag ding "Panahon ng Imperyo" ang Bagong Kaharian.


Reyna Hatsepshut
Thutmose III
        Kabilang sa mga natatanging paraon sa Bagong Kaharian ay si Reyna Hatsepshut, ang unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na taon. Si Thutmose III ang humalili kay Reyna Hatsepshut. Sinakop niya ang Ehipsiyo hanggang Ilog Euphrates sa silangan at hanggang sa timog ng Nubia.



Nang maging paraon si Rameses II, ipinatayo niya ang lungsod ng Pi-Ramesses, mga gusali ng Abu Simbel, at templo ng Ramesseum.



                                                                                                                        
Pi-Ramesses


templo ng Ramesseum














gusali ng Abu Simbel


 Si Tutankhamun naman ang pinakabatang paraon. Ang kanyang kabaong ay may limang bahagi na natagpuan ni Howard Carter noong 1922 sa Valley of the Kings. Ang kanyang kabaong ay pinapagitan ng dalawang diyos na si Isis at Nephtys sa pamamagitan ng kanilang pakpak. Hanggang ngayon ay malaking misteryo pa rin ang pagkamatay ni Tutankham.
                               

     Relihiyon


    Mahigit 2000 ang mga Diyos ng mga Ehipsiyo



Ra     - Diyos  ng Araw
Horus - Diyos ng Liwanag
Isis     - Diyosa ng mga Ina at asawa


       Naniniwala rin ang mga Ehipsiyo na may buhay pa matapos ang kamatayan. Ayon sa kanila, ang ginawa ng tao habang nabubuhay pa ay batayan sa paghuhusga kung siya ay mapupunta sa :


Mangangain ng Kaluluwa
Paraiso


Anubis


Si Anubis ang maghahatid kung saan siya dapat mapupunta kapag mamatay na ang isang Ehipsiyo. Tinatawag ding Kamatayan si Anubis.















Khufu's Pyramide

Ang pinakamalaking piramide sa lahat ay ang pinatayo ni Cheops (Khufu) na may taas na 40 palapag at may lawak na 13 arcres.







Pagsulat



Hieroglyphics



Papyrus reeds

  

Sa panahon ng sinaunang Egypt, tinutumbasan ng hugis o larawan ang isang bagay. Hieroglyphics ay ang sistema ng kanilang pagsulat. Ang papel nila ay galing sa Papyrus reeds.



Agham at Teknolohiya

            Ang mga imbensyon ng mga Ehipsiyo ay tugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan. Gumamit sila ng heometriya sa pagsukat ng kanilang lupain matapos ang regular na pag-apaw ng Ilog Nile. Bumuo rin ang mga Ehipsiyo ng isang kalendaryo na nakabase sa bituin ng Sirius.
            


                         
                                     


                                     KABIHASNAN SA INDIA


Heograpiya
      Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng Insia sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. Matatagpuan ang:

  • Hindu Kush   - Hilaga                Pinagmulan
  • Karakoram   - Hilaga            <   ng tubig       
  • Himalaya     - Hilaga                  ng ilog



  • Disyerto ng Thar    - Silangan
  • Bulubundukin ng Sulayman at Kirthar   - Kanluran    < Ang matabang lupain na                                                                                         pinamahayan ng mga tao
           
           


   Tinatayang umabot sa mahigit 100 lungsod ang matatagpuan sa pampang ng ilog. Ang pinakamalaking lungsod ay ang Kalibangan, Mohenjo-Daro, at Harappa.

Harappa

     Ang katangi-tangi sa kabihasnan ng mga taga-Indus ay ang pagsasaayos ng kanilang lungsod. Nakalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid systemkung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain na pagtatayuan ng mga tahanan at ibang estraktura.    













Kalibangan

     
   

    Sa kanluran ng mga kabahayan ay ang citadel na tinayuan ng mga pampublikong gusali, malaking paliguan, at mga templo. Sa labas ng lungsod ay ang libingan at mga imbakan ng pagkain.



Mohenjo-Daro

      Itinuturing na nauna ang mga taga-Indus sa paglikha ng sistema ng maayos na mga daluyan at kanal na naglabas ng maruming tubig mula sa mga tahanan. Patunay lamang na mayroong isang matatag at sentralisadong pamahalaan ang mga taga-Indus.





Panahong Vediko ng mga Aryano
             
Vedas

      Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500 BCE. Kabilang sila sa lahing Indo-Europeo na mga nomadikong pastoralista na nag-ambag sa pagsulong ng kabihasnan sa India. Ang tanging tala ng kanilang buhay ay mahahalaw sa mga Vedas.


Antas ng mga Tao sa Lipunan

        Ang mga Aryano ang nagpasimula ng sistemang kasta (caste system) na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano. Nahati sa apat na uri ang uri ng mga tao sa lipunang Aryano:
  • Brahmin   - binubuo ng kaparian
  • Kshatriya  - binubuo ng pinuno at mandirigma
  • Vaishya    - binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka
  • Shudra     - pangkat nang mga hindi Aryano

Itinuturing namang hindi kabilang sa kasta ang mga dalit o tinatawag na mga untouchable.


Panitikan

        Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India : ang Mahabharata at Ramayana.

      

     Tinatayang nabuo ang Mahabharata ng 100 hanggang 700 BCE. Ito ay naglalaman ng 90 000 talutod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa mundo.

       Samantala, ang Ramayana ay nasa anyong patula rin. Inilalahad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama at ng kaniyang asawa na si Sita. Ayon sa salaysay, dinukot si Sita ng pinunong si Ravana. Dahil dito, nakipaglaban si Rama upang mabawi si Sita.


















Pananampalataya ng mga Aryano

              Tampok na pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Ayon sa kanila, ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Sinuri ng mga guro ang nilalaman ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads. Ang Upanishads ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral. Patungkol ang mga diyalogong ito sa mga paraan kung paano makakamit ng tao ang paglaya niya mula sa pagdurusa. Batay sa sulatin, kailangang maunawaan ng tao ang kaugnayan ng atman ( ang kaniyang kaluluwa) at ang Brahman (ang kaluluwa ng mundo). Kapag nakamit na ng tao ang moksha (ganap na pagkakaunawa sa ugnayan ng atma at Brahman), makakamit niya ang kalayaan mula Samsara (siklo ng pagsilang, kamatayan, at muling pagkabuhay). Gayunman, nakasaad din sa sulatin na hindi makakamit ng isang tao ang kalayaan sa isang buhay lamang. Magkakaroon ng inkarnasyon ang kaluluwa na paulit-ulit na magaganap hanggang sa makamit na ng tao ang moshka

                  Sa paglaganap ng relihiyon ng mga Aryan at ng kanilang sistemang kasta, maraming tao ang tumutol sa patakaran. Dahil dito, dalawang relihiyon ang sumibol bilang pagtutol sa Hinduismo. Ito ay ang Buddhismo at ang Jainisimo.



Siddharta Gautama
Ang Buddhismo

           Ang nagturo ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa Kapilavastu na matatagpuan sa kasalukuyang Nepal. Mulas araw na nagmedetasiyon si Siddharta Gautama sa ilalim ng punong Bo, tinawag siyang Buddha na nangangahulugang "siyang naliwanagan". Ang kaliwanagan ni Buddha ay nakabatay sa "Apat na Dakilang Katotohanan" (Four Noble Truths)

  1. Ang buhay ay puno ng pagdurusa at kalungkutan.
  2. Ang dahilan ng pagdurusa ay ang paghahangad at pagnanasa ng tao sa mga materyal na bagay.
  3. Ang pagwawaksi sa pagnanasa ay kailangan upang mawakasan ang pagdurusa.
  4. Ang pagkakamit ng nirvana ay sa pagtahak sa daan ng Eightfold Path o Middle Way.
Nilalaman ng Eightfold Path ang mga sumusunod:

  1. Wastong pananaw
  2. Wastong hangarin
  3. Wastong pananalita
  4. Wastong kaasalan
  5. Watong pamumuhay
  6. Wastong pagsusumikap
  7. Wastong pag-iisip
  8. Wastong pagmumuni-muni
Dahil itinakwil ni Buddha ang sistema ng kasta, marami sa kaniyang mga naging tagasunod ay mga manggagawa at artisano. Sa paglipas ng panahon, nahati ang Buddhismo sa dalawang pangkat

  • Theravada - lumaganap sa Sri Lanka, Thailand, Burma, Cambodia, at Laos
  • Mahayana  - lumaganap sa China, Tibet, Japan, Korea, Mongolia, at Vietnam
     Merong pagkakaiba ang dalawang pangkat. Ang Theravada ay naniniwala lamang sa makasaysayang Buddha (Gautama) at sa ibang pinaniniwalaang mga Buddha sa nakalipas. Ang Mahayana naman kay Gautama Buddha at Amithaba, at mga Medicine Buddha.


Jainismo

        Ayon sa mga nananalig ng Jainismo, lumitaw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma. Tinawag silang mga Jina na nangangahulugang "mananakop" at mga tirthankaras o "silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan". Kinikilala si Vardhamana bilang ika-24 sa mga gurong ito at itinuturing na tagapagtatag ng samahang Jainismo, kung kaya tinanghal siyang Mahavira o "dakilang bayani". Ang mga tagasunod ng Jainismo ay tinatawag na Ajainaor.

       Karamihan sa mga tagasunod ng Jainismo ay mga monghe na inaasahang susunod sa limang gabay sa pamumuhay.

  1. Ahimsa  - pamumuhay ng payapa at pagwaksi sa karahasan sa anumang may buhay
  2. Satya    - pagpapahalaga sa pagsasabi ng katotohanan
  3. Asteya  - pag-iwas sa pagnanakaw
  4. Brahma-charya - pag-iwas sa anumang gawain at pag-iisip na makamundo
  5. Aparigraha - paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang materyal.


Imperyong Maurya

Chandragupta Maurya
         Noong 321 BCE, kinilala bilang hari ng Magadha si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Upang maayos na mapangasiwaan ang imperyo, bumuo si Chandragupta ng isang sentrilisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan. Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamunuan ng isang prinsipe.
Bindusara

         

Noong 301 BCE, humalili sa trono ni Chandragupta ang kaniyang anak na si Bindusara. Sa loob ng 32 taon, napanatili ni Bindusara ang katatagan ng imperyo at pinalawig pa sa katimugang India ang kapangyarihan ng imperyo. Pagsapit ng 269 BCE, ang anak ni Bindusara ang itinanghal na hari ng Imperyong Maurya.

Asoka
        
 Upang malaman ng buong imperyo ang mga bagong patakaean ni Asoka, nagpatayo siya ng malalaking haligi kung saan nakaukit ang kaniyang mga kautusan. Sa pagpanaw ni Asoka noong 232 BCE, pawang mahihina ang sumunod na hari na humantong sa tuluyang pagkawatak-watak ng imperyo.




Imperyong Gupta

           Makalipas ang 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupat noong 320 CE. Mula kay Chandra Gupat at sa humaliling hari pagkatapos niya, nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan. Muling tumatag ang pamahalaan at lumawak pa ang teritoryo ng imperyo. Sinasabing sa panahon imperyong Gupta, nakaranas ang India ng isang ginintuang panahon sa matematika, agham, at panitikan.

          Sa larangan ng matematika, ipinakilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang. Sa astronomiya, malaki naman ang ambag ni Aryabhata sa pag-aaral patungkol sa eklipse at sa taoryang pag-inog bg mundo sa araw. Sa larangan ng panitikan, kinilala naman si Kalidasa sa husay ng kaniyang mga isinulat na dula tulad ng Shakuntala at Vikramoruasiyam.

          Pagsapit ng huling bahagi ng ika-5 siglo CE, pawang mahihina ang sumunod na mga haring Gupta. Humantong ito sa pagkakawatak-watak ng imperyong Gupta sa maliliit na kaharian.



 
                      KABIHASNAN SA CHINA


Heograpiya

      Sa lambak sa pagitan ng mga Ilog ng Huang Ho at Yangzte sumibol ang mga unang pamayanan sa China.

    Hangganan ng lambak

  • Disyerto ng Gobi     -  Hilaga
  • Karagatang Pasipiko - Silangan
    Kabundukan

  • Kabundukan ng Tien Shan    - Kanluran
  • Kabundukan ng Himalaya     - Kanluran
  • Kagubatan ng Timog-silangnag Asya  - Timog

Mga Unang Dinastiya

      Dinastiyang Hsia

Yu
                Ayon sa tradisyonal na kasaysayan ng China, pinag-isa ng dinastiyang Hsia ang mga pamayanan sa paligis ng Huang Ho. Ang unang hari nito ay si Yu na isnag inhinyero at matematiko. Sa pamumuno ni Yu, nagsasagawa ang mga Tsino ng mga proyektong pang-irigasyon na hahadlang sa mapaminsalang pagbaha ng ilog.

        
      Dinastiyang Shang

oracle bones
                    Pumalit sa dinastiyang Hsia ang dinastiyang Shang noong 1500 BCE. Ang tatlong pangunahing katangian ng paghahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa paggamit ng bronse, at ang pag-aantas sa lipunan.  May sistema ng pagsulat ang dinastiyang Shang subalit ito ay itinatala sa mga piraso ng kawayan kaya hindi nagtagal. Ang tanging ebidensya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mula sa oracle bones. Hinati sa dalawa ang lipunan sa panahon ng dinastiyang Shang. Ang unang pangkat ay ang mga maharlika at mandirigma. Pangalawa, binubuo ng magsasaka.


        Dinastiyang Zhou

                    Noong taong 1027 BCE, napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Shang. Bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala, ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo. Ang siklo ng pagtatag, pagbagsak, at pagpapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko (dynastic cycle).

                Pagsapit ng 300 BCE, nagsimulang mawalan ng kontrol ang dinastiyang Zhou sa mga lalawigan at namayani ang malalakas na warlord. Ang malagim na panahong ito sa kasaysayan ng China ay tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado".


       Dinastiyang Qin


Shi Huangdi

                 Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador. Sa layunin na mapatatag ang bagong dinastiya, iniutos ni Shi Huangdi sa lahat ng maharlikang pamilya ng bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyo na Xianyang. Hinati niya ang mga estado sa 36 na distrito na pinamumunuan ng mga tapat na opisyal ng Qin. Sa pagnanais naman na masupil ang mga tumutuligsa, ipinag-utos ni Shi Huangdi ang pagsunog sa mga isinulat ng mga guro ng Confucianismo at pagpaslang sa kanila. Ang ganitong pamahalaayn ay tinatawag na autocracy.


                 Ang mga naunang pader ay pinahaba pa niya ng 1400 kilometro na nag-uumpisa sa baybayin ng Ilog Huang He at nagwawakas sa Tibet. Sa kasalukuyan, ang mga pader na ito ay kinikilala bilang Great Wall of China. Noong 202 BCE, tatlong taon matapos mamatay si Shi Huangdi, bumagsak ang dinastiya nang mag-alsa ang mga tao. Matapos nito ay napunta na ang "mandato ng langit" sa mga Han.


Mga Pilosopiyang Lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya

          Tatlong pilosopiya ang nabuo sa China sa mahaba nitong kasaysayan. Ito ay ang Confucianismo, Taoismo, at Legalismo.


   Confucianismo


Confucius
             Si Confucius ay ipinanganak noong 551 BCE, sa panahon na dinastiyang Zhou ay unti-unting nawawasak dahil sa digmaan ng mga estado. Namuhay siya bilang isang iskolar at dapat taglayin ng bawat isa ang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Maipapakita ang jen sa pagsasaayos ng limang ugnayan sa kapwa:

  1. Ugnayan ng pinuno at mamamayan
  2. Ugnayan ng ama ta anak
  3. Ugnayan ng mag-asawa
  4. Ugnayan ng matandang kapatid sa nakababata
  5. Ugnayan ng magkaibigan
     Naniwala rin si Confucius na ang edukasyoon ay susi upang ang isang karaniwang tao ay maging maginoo. Ito rin ay nagbigay-daan sa pagkakalikha ng burukrasya sa pamahalaan. Ayon pa kay Confucius, dapat ding taglayin ng isang maginoo ang mga sumusunod na apat na mabuting asal:

  1. Maging magalang sa pakikitungo sa iba
  2. Maglingkod nang tapat sa pinuno
  3. Tugunan o higitan pa ang mga pangangailangan ng mga tao
  4. Maging makatarungan da pakikitungo sa mga tao

   Taoismo

Lao-Tzu
            Itinuro ito ng pilosopong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 BCE. Ayon sa aklat niyang Tao Te Ching, mayroong puwersa ng kalikasan na namamahala sa lahat ng mga bagay sa mundo. Ito ay tinatawag na Tao o ang "landas".

           Bahagi ng paniniwala ng mga Taoist (tagasunod ng Taoismo) ang konsepto ng yin at yang na dalawang puwersa na nagpapakilos sa kalikasan.

  • Yin   - sumisimbolo sa lupa, dilim, at kababaihan
  • Yang - sumisimbolo sa langit, liwanag, at kalalakihan

     
yin at yang
       Ayon sa mga Taoist, ang dalawang puwersang ito ang dahilan ng pagkakabuo ng lahat ng mga bagay sa mundo. Kailangang mapanatili na balanse ang ugnayan ng yin at yang upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan. Dahil sa lubos na pinahahalagahan ng mga Taoist na makamit ang pakikiisa sa kalikasan, sinusunod din nila ang feng shui. Ang feng shui ay isang sistema ng pagsasaayos sa lupain at tahanan upang bumagay sa kapaligiran at panatilihing balanse ang yin at yang.



   Legalismo
  
Hanfeizi
          Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo. Ayon sa pilosopiyang ito, ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan. Sa ilalim ng prinsipyong "ang pinuno ang namamahala at ang tao ay sumusunod", tungkulin ng pinuno na panghimasukan ang kaisipan at kilos ng kaniyang mamamayan.
Li Su

        Noong ika-4 na siglo, lumakas ang estado ng Qin na dating kabilang sa mga teritoryo ng kaharian ng Zhou. Ayon sa teorya ng legalista, binago ng Qin ang uri ng pamamahala, ekonomiya, at sistemang pangmilitar nito upang maging malakas. Tuluyan nang bumagsak ang dinastiyang Zhou at hindi nagtagal ay sinakop ng imperyo ng Qin ang mga estado nito.
           



                 

                  IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA



Ang mga Hitito
    
mga Hitito
         
      Nagmula sa nga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass. Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito. Una ay mabibilis na chariot at ang pangalawa ay kanilang kaalaman sa pagpapanday.

          Ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga Hitito sa kanilang mga nasasakupan ay mabubuod sa konsepto ng pag-aangkin at pang-aangkop (adopt and adapt). Marami silang hiniram mula sa mga taga-Mesopotamia sa larangan ng panitikan, sining, wika, politika, at mga batas.


Ang mga Phoeniciano

            Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko ay nananahan sa mauunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Sila ay mahuhusay sa paggawa ng barko, manlalayag, at mangangalakal.


alpabeto ng mga Phoenciano

             Kung ihahambing sa mga haring mandirigma ng ibang kabihasnan, ang mga pinuno ng mga lungsod-estado ng mga Phoeniciano ay mga haring mangangalakal.Ang maituturing na pinakamahalagang ambag ng mga Phoeniciano sa sangkatauhan ay ang alpabeto. Simple lang ang alpabeto ng mga Phoenciano na nakabase sa ponetiko.




Ang mga Persyano
Darius

          Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Persis na bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon. Sa ilalim ni Cyrus the Great, lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak-ilog ng Indus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean. Sa taong 525 BCE, matagumpay na nalupig ng tagapagmana ni Cyrus na si Cambyses II ang mga kaharian ng Egypt at Libya sa Africa. Nang humalili si Darius bilang bagong hari, lalo pang lumawak ang kapangyarihan ng Persia noong 521 hanggang 485 BCE. Itinuturing na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking imperyo noong panahong iyon sapagkat nagawa nilang mapalawak ang kanilang teritoryo na umabot sa tatlong kontinente: Asya, Africa, at Europe.


Pamahalaan

           Sa simula, naging mahirap para sa mga Persyano na pamahalaan ang napakalawak nilang imperyo. Bunsod nito, hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoro. Pinamumunuan ang bawat lalawigan ng isang satrap o gobernador na hinirang ng hari.


kahabaan ng Royal Road
         Sa mahabang panahon, napanatili ng mga Persyano ang katatagan ng kanilang imperyo dahil sa mahusay na sistema ng kanilang komunikasyon. Nagpagawa sila ng isang Royal Road na may habang 2 400 kilometro at ang hangganan ay mula Susa (bahagi ng Iran) patungong Sardis (bahagi ng Turkey).

          Ang pangunahing wikang ginagamit ng mga Persyano ay Aramaic na ginagamit ng mga eskriba sa lahat ng bahagi ng imperyo.
     

Relihiyon

Ahura Mazda
         Ang sinaunang relihiyon ng mga Persyano ay kahalintulad ng mga Aryano ng India. Gayunpaman, noong 600 BCE, ipinahayag ng propetang Zoroaster na may iisang diyos lamang at tinawag niya ang diyos nila na Ahura Mazda na pinagmumulan ng kaliwanagan at katotohanan. Dagdag pa niya na bukod kay Ahura Mazda, may espiritu ng kasamaan na kinilala niya bilang si Ahriman. Naniniwala si Zoroaster na patuloy ang digmaan ng pwersa ni Ahura Mazda at Ahriman. Sa pamamagitan ng paglilingkod kay Ahura Mazda at sa pamumuhay nang tama lang makaliligtas ang mga tao.





          ANG MGA KABIHASNAN SA AMERICA
               

Ang mga Olmec

             Tinatawag na Olmec o taong goma ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1 200 BCE. 

           Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec. Ang mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga templo na hugis piramide at sa tuktok ng mga templong ito nagaganap ang mga seremonyang panrelihiyon. Isa pang paraan ng pagsamba ng mga Olmec ay sa pamamagitan ng paglalaro ng bola na goma. Ang mga matatalong manlalaro ay isasakripsyo sa kanilang mga diyos.

   Binubuo ang sistema ng kanilang pamilang ng tatlong simbolo:

  • dot  - katumbas ng 1
  • bar  - katumabas ng 5
  • 0

   Ginamit nila ang sistema ng pagbilang sa pagtatala ng mga eklipse at paggalaw ng mga planeta. Lumikha rin sila ng dalawang kalendaryo na gamit sa pang-araw-araw at sa mga panrelihiyong seremonya.


Ang mga Teotihuacano

               Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America. Mula 100 CE, ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.


Quetzacoatl
            Mapayapa ang pamuuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro lamang sa pagsasaka, kalakalan, at relihiyon. Sa paglipas ng panahon, nakamit nila ang pinakamalawak na ugnayang kalakalan sa Gitnang America.

            Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o Feathered Serpent. Pangunahin sa kaniyang kautusan ay patungkol sa kapayapaan, kababaang-loob, at pagmamalasakit sa kapwa.

            Nagapi ng sumalakay na Chichimec ang mga Teotihuacano noong 700 CE at sinunog ang lungsod ng huli. Lumikas ang mga tao at ito ang nagsilbing katapusan ng makapangyarihang lungsod.


Ang mga Mayan


         Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America.

       
   Nahahati sa apat na antas ang lipunan ng mga Mayan:
       
  1. Maharlika
         - tinatawag na halach uinic (tunay na tao) ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo.
                                         
   2. mga pari
         - tinatawag na Ah Kin Mai (The Highest One of the Sun).
                                         
   3. magsasaka
   4. mga alipin

Relihiyon

       Poleistiko ang mga Mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos. Ang mga pari ang namumuno sa mga seremonya ng pag-aalay. Tinularan din ng mga Mayan ang seremonya ng mga Olmec na paglalaro ng bola bilang pagsamba sa kanilang diyos. Tinawag nila itong poc-ta-tok na nilalaro rin sa isang ballcourt.


Katangian ng Kabihasnan sa Iba't Ibang Larangan

         Sa pamamagitan ng pagtala ng pagkilos ng araw at buwan, nakabuo ang mga pari ng isang kalendaryong banal na may 260 araw at isang kalendaryong solar na binubuo ng 20 buwan na may tig-8 araw.

         Ang mga Mayan ay nakalikha rin ng sistema ng pagsulat. Binubuo ito ng 800 simbolong hieroglyph. Ito ay kanilang nililok sa mga pader ng mga gusali,at isinulat sa mga palayok at mga papel na mula sa balat ng puno.
              
         Sa larangan ng arkitektura, nagtayo ng mga piramide ang mga Mayan  na pinagdarausan ng pag-aalay sa kanilang mga diyos. Isa sa natatanging templo ay ang Pyramide of the Jaguar na matatagpuan sa Tikal. 

         Sa matagal na panahon, hindi lumago ang kabihasnan ng mga Mayan. Mula 850-950 CE, unti-unting iniwan ng mga tao ang mga lungsod dahil sa kawalan ng pagkain.


Ang mga Aztec

        Nagmula sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexina. Noong 1325, nang maitatag ng mga Aztec ang kanilang kabisera sa Tenochtitlan, unti-unti nilang sinakop ang mga kalapit na kaharian. 

        Itinuturing na extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec. Ito ay dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod o kaharian, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno.


Lipunan

   Nahahati sa tatlong antas ang lipunang Aztec:

  • Una     -  maharlika na kinabibilangan ng pamilya ng hari, kaparian, at mga pinuno ng                 hukbo. 
  • Ikalawa - ordinaryong mamamayan tulad ng magsasaka, mangangalakal, sundalo, at                   artisano.
  • Ikatlo  -  alipin
Mayroon ding pangkat ng mga mangangalakal na tinatawag na pochteca na pinahahalagahan ng lipunang Aztec.
pochteca
 Relihiyon   


       Kabilang sa mga diyos ng mga Aztec ay sina Tlaloc, Huitzilopochtli, Quetzalcoatl, at Tezcatlipoca. Naniniwala silang kailangang alayan ng buhay ng tao ang diyos, kaya madalas silang nangangailangan ng mga isasakripisyong tao. Ang pangangailangang ito ang nagbusod sa digmaan na tinatawag na Flowery Wars. Mayroon ding seremonya ng paglalaro ng bola na tinatawag na ullamaliztli.    
Flowery wars



Katangian ng Kabihasnan

        Ang isang taon ay binubuo ng 365 araw at tinatawag na xiuhpohuali. Mayroon din silang kalendaryong panrelihiyon na tinatawag na tonalpohuali na binubuo ng 260 araw. Sa larangan ng pagsasaka, lumikha ang mga Aztec ng mga chinampa. Ito ay mga taniman na yari sa banig na damo at tinambakan ng lupa.
xiuhpohuali
chinampa


         








   
    Nagwakas ang imperyo ng Aztec nang mapasailalim ito sa kapangyarihan ng Spain noong 1519. Sa pangunguna ni Hernan Cortes, nagapi ng mga Espanyol ang mga Aztec. Natalo sila bunsod na rin ng digmaan at pagkalat ng sakit.


Ang mga Inca   

       Umabot ang teritoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador at mga bahagi ng Chile at Argentina. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakuoan ng mga Inca at nakabuo sila ng isang imperyo. Tinawag na Tahuantinsuya (Land of he Four Lord) ang imperyo.
Pachacuti Inca


  • Chinchasuyu  -  Equador at hilagang Peru
  • Antisuyu        -  silangan ng Cuzco hanggang sa kagubatan ng Amazon 
  • Contisuyu      -  Kanluran ng Cuzco hanggang sa baybayin ng Peru
  • Collasuyu      -   timog ng Cuzco at sakop ang mga lupain sa Bolivia, Argentina, at                              Chile.   


Pamahalaan   


         Ibinatay ng mga Inca sa allyu ang pamamahala sa kanilang imperyo. Ang allyu ay ang pagtutulungan ng mga pangkat ng mga tao para sa ikabubuti ng kanilang pamayanan. Pimamgkat ng mga Inca ang kanilang mga mamamayan sa tig-10, 100, 1000 at 10 000 allyu.

         Ang pangunahing hinihingi ng mga pinunong Inca sa kanilang nasasakupan ay ang pagganap sa tungkulin ng mita o ang pagtatrabaho para sa imperyo.


Relihiyon
Viracocha

        Maraming sinasambang diyos ang mga Inca. Pangunahin dito si Viracocha na pinaniniwalaang tagapaglikha ng mundo at si Inti na diyos ng araw.

        May mga pari na namumuno sa seremonya ng pagsamba na tinutulungan ng mga mamakuna o "birhen ng araw".


Kabuhayan

        Ang lahat ng mga lupaing sakop ng mga Inca ay pag-aari ng imperyo. Hinati ito sa lupain para sa hari, sa relihiyon, at sa mga mamamayan. Upang maiwasan ang pagkabulok ng patatas, nakabuo ng isang paraan ng preserbasyon ang mga Inca na tinatawag na chuno.


Katangian ng Kabihasnan
        
        Ang mabundok na lupain ng imperyo ay hindi naging sagabal sa mabilis na komunikasyon sa mga lungsod ng mga Inca. Nagpagawa sila ng mahigit 12 000 milyang kalsada sa gilid ng kabundukan.


quipu
        Walang sistema ng pagsulat ang mga Inca. Nakabatay lamang sa memorya ta quipu ang mga tala ng kautusan o batas ng kanilang pamahalaan. Ang quipu ay mga nakabuhol na lubid na may iba't ibang kulay.

         Nagwakas ang imperyo ng mga Inca ang dumating ang mga Espanyol at sinakop sila. Noong 1532, sa pangunguna ni Francisco Pizarro, natalo ang pwersa ni Atahualpa at nabihag.




                                 KABIHASNAN SA AFRICA


taong Nok
    Isa sa mga sinaunang kultura ay ang mga taong Nok na naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200 CE. Ang mga Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa bahaging iyon ng Africa. Samantala, sa Kanlurang Africa naman nagmula ang mga Bantu. Sila ay mga magsasaka at tagapastol ng mga baka.

    
Ang mga Kushite
    
     
Sa mahigit 2 000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyop ng Kush. Mula ika-16 at ika-15 siglo BCE, unti-unting nakamit ng mga Kushite ang kanilang kalayaan.
Haring Pianki

       Kinikilala si Haring Pianki bilang unang pinuno ng imperyong Kushite. Naging maikli lamang ang natamasang tagumpay ng imperyo ng Kush dahil noong 671 BCE, tinalo sila ng mga Assyrian.

       Ang lupain ng Meroe, matatagpuan malapit sa Red Sea, ay nabiyayaan ng masaganang yamang-mineral. Ito ang nagpasigla sa industriya ng pagpapanday ng mga armas at kagamitan sa pagsasaka ng mga Kushite.

       Gayunman, katulad ng ibang mga kaharian, unti-unti ring humina ang Meroe mula 250 hanggang 150 BCE, tuluyan na itong bumagsak nang mapasailalim ito sa mga Aksumite.


Ang mga Aksumite

       Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagang-silangnag bahagi ng Africa.

      Ang lokasyon ng kaharian ng Aksum ang pinaniniwalaang susi ng kanilang tagumpay. Sentro ito ng ruta ng mga caravan patungong Egypt at Meroe. Ang baybayin ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mangangalakal na naglalayag sa Red Sea at Karagatang Insian.


stelae
      Sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum, ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng yemen. Tinawag na cosmopolitan ang kultura ng mga Aksumite sanhi ng kanilang pakikipag-ugnayan at pagiging bukas sa impluwensiya ng mga dayuhan.

      Sa larangan ng arkitektura, isang mahusay na arkitektura na nagawa nila ay ang mga stelae o higanteng haligi na gawa sa bato.

      Ang kaharian ng Aksum ay tumagal hanggang 800 taon. Humina ang kaharian sanhi ng mga mananakop na Muslim.


Ang mga Imperyong Pangkalakalan

      Ang kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, lumago ang mga pamayanan sa Africa na naging mga imperyo. Ito rin ang nagsilbing paraan upang ikalat ang relihiyon, sining, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.


 Ang Ghana

       Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ang pagsasaka at pagpapanday. Saklaw ng teritoryo ng Ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan g ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na mula namn sa hilagang disyerto.

       Nakamit ng Ghana ang rurok ng kanilang kapangyarihan noong 1000. Nagtayo sila sa kanilang imperyo ng dalawang kabisera, ang Kumbi Saleh at El Ghaba.


Kumbi Saleh
         Noong 1054, ang mga Almoravid ng Morocco ang sumalaky sa kaharian. Bunsod nito, unti-unting humuwalay ang ilang maliliit na estado na lubusang nagpahina sa imperyo.








Ang Mali


Mansa Musa
       Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundata. Pinatunayan niya na hindi lamang mahusay sa digmaan, kundi pati na rin sa pamamahala. Isa pa sa kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa, katulad ni Sundata mahusay siya sa pamamahala.


Ang Songhai
      
Sunni Ali
       Isa sa natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao, at ang Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Tumagal ang kaniyang paghahari sa loob ng 30 taon. Nang mamatay si Sunni Ali noong 1492, humalili bilang pinuno ng kaharian ang kaniyang anak.

       Ang nagpabagsak sa imperyo ng Songhai ay ang kakulangan nito sa makabagong armas. Nasakop ng mga Moroccan ang Songhai.



Ang ibang mga Estado sa Africa

      Maliban sa mga Imperyo, may mga naitayo ring lungsod sa Africa. Ang mga ito ay ang Hausa at ang kaharian ng Benin.


Ang mga Hausa

     Matatagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng Kano, Katsina, at Zazzau. Ang pinuno ng bawat lungsod ay isnag hari. Madalas na nakikipagdigma ang mga Hausa sa isa't isa kaya hindi sila nakabuo ng isang imperyo. Pagsasaka, paghahayupan, at paghahabi ang kabuhayan ng mga Hausa.


Ang Benin

     Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Nile. Noong ika-15 siglo, lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare. Tumagal ng ilang siglo ang kaharian hanggang sa sakupin ito ng Great Britain.


Ang Imperyo sa Katimugang Africa

     Noong 1000, nanirahan sa isang kapatagan sa pagitan ng mga ilog Zambei at Limpopo ang isnag pangkat na kinilala bilang Shona. Kinikilala ngayon ang lungsod na ito bilang Great Zimbabwe (pangalan na Zimbabwe sa salitang Shona na ibig sabihin ay "pader na bato").


Mutota
     Pagsapit ng taon 1450, nilisan ng mga Shona nag Great Zimbabwe. Ang imperyong pumali sa Great Zimbabwe ay itinatag ng isnag prinsipeng Shona na si Mutota. Tinawag siyamg Mwene Mutapa o mananakop ng kaniyang mga mamamayan. 

     Noong ika-16 na siglo, tinangkang sakupin ng mga Portuges ang imperyo ngunit sila ay nabigo. Ang tumapos sa imperyong Mwene Mutapa ay ang pananalakay ng ibang mga kaharian sa Africa.




                             KABIHASNAN SA PASIPIKO


Kulturang Pasipiko

          Ang rehiyon ng Oceania ay  matatagpuan sa Karagatang Pasipiko. Kabilang sito ang mga rehiyon ng Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ito ay binubuo ng libo-libong pulo na tinitirahan ng mga mamamayang nasanay sa kulturang pangkaragatan.


Polynesia

         Ang pangalang Polynesia ay galing sa mga katagang Griyego na polus na ibig sabihin ay "marami" at nesos na ibig sabihin ay "pulo". Sakop nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa:

  • Hilagang-silangan    -  Hawaii
  • Timog-silangan       -  Easter Island
  • Kanluran                -  New Zealand


Kabialng ang mga mamamayang Polynesian sa lahing Austronesyano a pinaniniwalaang nagmula sa Timog China at Formosa noong mga 5000 hanggang 3000 BCE.

Kultura at Kabuhayan

         Ang mga polynesian ay umangkop sa uri ng kanilang kapaligiran. Sila ay naging mga bihasang manlalayag. Ang tahanan ng mga Polynesian ay yari sa kahoy, kawayan, at mga dahon ng puno ng niyog. Nakasalalay ang kanilang pamumuhay sa pangingisda at pagtatanim.

         Hiwa-hiwalay ang mga pamayanan ng mga Polynesian. Nagkaroon na ng malalakas na pinuno na sumakop ng ilang mga pamayanan. Ang mga halimbawa nito ay sina Haring Kamehameha ng Hawaii at Haring Laupepa ng Samoa.

         Mahusay ring gumawa ng mga bangka ang mga Polynesian na ginagamit nila sa pakikipagkalakalan sa iba't ibang pulo. Naimbento ng mga Polynesian ang bangkang tinatawag na catamaran (bangkang may dalawang hull o katawan). Kilala ang mga Polynesian sa paglalayag. Sanay sila sa paggamit ng araw at mga bituin sa kalangitan bilang gabay upang matukoy ang kanilang lokasyon sa karagatan. Mahilig din ang mga Polynesian sa mga palamuti.

Micronesia

        Halaw sa salitang Griyego na mikros na ibig sabihin ay "maliit" at nesos na ibig sabihin ay "mga pulo". Bahagi rin ito ng Oceani na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas, Indonesia, at Papua sa New Guinea.

Kultura

       Ang mga Micronesian ay galing din sa lahing Austronesyano na nanggaling sa Timog China at Formosa. Tulad ng Polynesian, ang mga Micronesian ay mahusay ring manlalayag sa karagatan. Gumagamit din sila ng teknolohiyang wayfinding sa kanilang pangingisda o ang paggamit ng araw, buwan, at mga bituin bilang gabay sa paglalayag. Mahusay rin silang gumawa ng bangka tulad ng ut ng mga Carolinian at ng parao ng mga Chamorro.

      Ang mga pamahalaan naman ng mga Micronesian ay karaniwang hiwa-hiwalay na pamayanan. Ang wika naman ng mga Micronesian ay kabilang sa grupo ng mga wikang Austronesian. Iba't iba ang mga wikang ito tulad ng:

  • Chamorro   -  Marianas
  • Chuukese    -  taga-Chuuk
  • Yapese       -  Yap
  • Kosraeese   -   Kosrae
  • Pohnpeinese   -  Pohnpei


Melanesia

       Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na ang ibig sabihin ay "mga pulo". Ang mga pulo ng Melanesia ay tinitirahan ng mga taong maitim ang balat.


Mga Mamamayan

       Tinatayang matagal nang naninirahan ang mga ninuno ng mga Melanesian sa New Guinea bago ito nagsimulang lumipat sa mga pulo sa Timog Pasipiko 35 000 taon na ang nakalipas. Nakaabot sila hanggang Solomon Islands at maliliit na pulo na malapit dito. Ang kanilang wika ay galing sa grupo ng mga wika na tinatawag na Papuan.

        










Credits to: UPFA 
                   Diwa Learning Systems Inc.
                  
                    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento